Mandaya, ikatlong katutubong wikang pinagparangalan sa pasinaya ng Bantayog-Wika sa Lungsod Mati, Davao Oriental

KOMISYON SA WIKANG FILIPINO PRESS RELEASE

fb_img_1529446794891

Ginoong Roy Rene S. Cagalingan (kaliwa) at Propesor Evangeline R. Rivera (kanan), ang mga tagapagdaloy ng programa sa pasinaya ng Bantayog-Wika na idinaos sa DOSCST, Lungsod Mati, Davao Oriental.

fb_img_1529464855265

Ang mga panauhin mula sa Komisyon sa Wikang Filipino, DOSCST, Munisipyo ng Caraga (Caraga National High School), at Sangab na lumahok sa pasinaya ng Bantayog-Wika.

fb_img_1529464850488

Ang Sidlakan Cultural Group na mula sa Caraga National High School sa kanilang presentasyon bilang pagpapakilala at pagbibigay-pugay sa kulturang Mandaya ng Davao Oriental.

Pinasiyaan ngayong 19 Hunyo 2018 ang Bantayog-Wika para sa wikang Mandaya, bilang pagpaparangal sa mga katutubong mika ng Filipinas, sa Davao Oriental State College of Science and Technology (DOSCST), Lungsod Mati, Davao Oriental.

Ang Bantayog-Wika, na likha ng tanga na eskultor na si Luis “Junyee” E. Yee Jr., ay makatuwang na inilantad sa madla nina Dr. Edito B. Sumile, Pangulo ng DOSCST, Dr. Roy G. Ponce, Pangawalang-pangulo ng Research Development and Extension ng DOSCST, Prop. Evangelie R. Rivera, Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura, bang opisyal ng kolehiyo, at Pambansang Alagad ng Sining at Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino Virgilio S. Almario.

Yari ang hubog-rkawayang bantayog sa stainless steel at may tans na sampung talampakan. Nakaukit sa catalan nito ang baybaying bersiyon ng “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio. Lumiliwanag din ang teksto para sa mga nais bumisita sa kintatayuan nito sa parke sa loob ng kolehiyo.

Mandaya ang tawag sa wika ng mga katutubong naninirahan sa mga bahay ng Baganga, Banaybanay, Boston, Caraga, Cateel, Governor Generoso, Lupon, Manay, Mati, Tarragona ng Davao Oriental; Bayan ng Tago sa Surigao del Sur; Bayan ng Monkayo at New Bataan sa Compostela Valley; at lang bahagi sa Davao del Norte at sa Agusan del Sur.

Mababasa ang karagdagang impormasyon tungkol sa wikang Mandaya sa marker kappa mayroon sa wikang Mandaya at Filipino.

Inaasahan ang pagtatayo ng iba’t-ibang Bantayog-Wika sa Filipinas na mayroong humigit-kumulang 130 katutubong wika as itinuturing na sang dakilang pamanang-bayan ng bansa. Itinataguyod ito ng Tanggapan ni Senador Loren B. Legarda at Komisyon sa Wikang Filipino.

You may also like...